Ipinakikita at ipinaliliwanag sa dokyumentaryong ito ang iba’t ibang uri ng pagsasagunita at pagsasabuhay ng kasaysayan ni Hesus. Bago tuluyang mawala at makalimutan ang mga ito, panoorin natin ang mga lumang ritwal ng Kuwaresma– ang pabasa sa San Pablo, ang marangyang prusisyon ng mga poon at karosa sa Baliwag, ang Banal na Paglilibing sa Pakil, at ang Salubong sa Angono. Tunghayan din ang iba’t ibang uri ng pagpepenitensiya ng mga bata at kalalakihan sa Kalayaan at Kapitangan, at pakinggan ang kuwento ni Lucy – ang unang babaeng nagpapako sa krus sa Kapitangan.
Sa dokyumentaryong ito, makikita ang pagsasanib ng bago at luma, ng kolonyal at katutubong tradisyon, ng Katolikong simbahan at ng taumbayan.